Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Senator Dick Gordon natumbok si Secretary Vitaliano Aguirre II
Senator Dick Gordon natumbok si Secretary Vitaliano Aguirre II

Senator Dick Gordon natumbok si Secretary Vitaliano Aguirre II

‘Yan ang gusto natin kay Senator Richard “Dick” Gordon.

Hindi nagpapaligoy-paligoy.

Tumpak naman siya na dapat noong unang pag-uusap pa lamang nila nina Jack Lam at Wally Sombero na inaalok siyang proteksiyonan ang Macau gambling mogul, dapat nagplano na siyang ipa-entrap ang dalawa.

Ang siste, umalis lang siya at sinabing bahala na kayo riyan.

At saka, bakit nakikipag-usap ang Justice Secretary outside his office sa isang gambling mogul na may utang o niloloko ang PAGCOR?!

Ethical po ba iyon?!

O mayroon bang nasisilip na ibang transaksiyon si Secretary Aguirre?

Paki-share naman Secretary Aguirre kung ano ang nakita mo sa ‘bolang kristal’ nang kausap mo sina Sombero at Jack Lam?!

O mas gusto mong kayo lang dalawa ni Senator Dick ang mag-usap?!

Tsk tsk tsk…

Hindi natin alam kung bagito ba talaga sa serbisyo publiko ang Cabinet members ni Pangulong Digong o sanay lang talaga sila sa private talks?

Tayo naman po ay nagtatanong lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  “Let spend the night” with Bobby Mondejar & Friends (Boy, Joey, Wally & Breezy)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved