Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Senior citizens ginagawang timawa ng OSCA sa Pasay City
Senior citizens ginagawang timawa ng OSCA sa Pasay City

Senior citizens ginagawang timawa ng OSCA sa Pasay City

Ayon sa mga senior citizen na nakausap natin, ‘seasonal’ ang trato sa kanila ng Office for the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng Pasay City.

Seasonal, meaning, special treatment sila kapag eleksiyon. Pero kapag tapos na ang eleksiyon, no pansin na sila.

Gaya ng naranasan nila, kailan lang.

Pumunta sila sa OSCA para kunin ang kanilang P500 birthday gift ni Mayor Tony Calixto. Maaga pa sa 8:30 am ay naroon na ang mga senior citizen. Alam naman ninyo, ang mga senior citizen, mga early riser ‘yan.

Ang siste, ‘yung magre-release ng P500 birthday gift, pasado 10:00 am na, wala pa rin?!

Kaya kailangan pa siyang sunduin ng marshalls.

Noong dumating naman, imbes ayusin ang proseso, inuna ‘yung may mga kakilalang marshalls. Kaya imbes matapos nang maayos, e marami ang sumama ang loob lalo ‘yung mga dumating nang maaga.

Maraming senior citizen ang naghimutok dahil nauna pa sa kanila ‘yung mga huling dumating. Ibig sabihin, may palakasan system.

Maraming senior citizen ang hirap nang maglakad habang ang iba ay may iniindang sakit.

Nagpunta sila para makuha ang P500 birthday gift ni Mayor Calixto at maipandagdag sa kanilang pangangailangan. Pero dahil sa sama ng loob at kunsumisyon, mukhang sa gamot pa napunta ‘yung P500.

Sino ba ‘yang namamahagi ng P500 birthday gift ni Mayor Calixto?!

Ipapamahagi na lang naaantala pa nang husto.

Kung si Mayor Calixto hindi magkandaugaga sa paggawa ng serbisyo na ikasisiya ng kanyang constituents, ‘yung namamahala naman sa P500 birthday gift para sa senior citizen, hindi magkandaugaga kung paano ito palalabasing palpak.

Aba, mukhang may dapat kang kastigohin diyan, Mayor Calixto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  NCRPO chief C/Supt. Marcelo Garbo sinusuwag ni Sr/Insp. Prudendcio Lumapat ng Pasay PNP PCP 8!?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved