Thursday , April 25 2024

NBA players of the week: James, naghari sa East; Griffin, West inangkin

PINANGALANANG National Basketball Association (NBA) Players  of the Week sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers para sa nakalipas na linggo.

Kinarga ni James sa kanyang mga numerong 25.5 puntos at 11.3 assists at 5.3 rebounds ang Cavaliers tungo sa 3-1 baraha upang isubi ang parangal na Eastern Conference Player of the Week.

Kinatampukan ito ng pambihirang pabandang tres ni James sa huling 0.3 segundo upang dalhin sa overtime at maitakas ang 140-135 panalo sa Washington.

Nagtapos siya ng 32 puntos at career-high na 17 assists sa panalo upang masolo ang East sa 37-16 baraha.

Inangkin ni Griffin ang trono sa West matapos dalhin sa 2-1 baraha ang Clippers sa likod ng kanyang 26.0 puntos, 10.3 rebounds at 8.0 assists.

Bagamat iniinda ang pagkawala ng star point guard na si Chris Paul, napanatili ni Griffin ang Clippers sa 34-21 marka upang mapatatag ang kapit sa ikaapat na puwesto sa Western Conference. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *