Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo (Feb. 15, 2017)
Ang Zodiac Mo (Feb. 15, 2017)

Ang Zodiac Mo (Feb. 15, 2017)

Aries   (March 21 – April 19). Maaaring maging pormal o totally down-low, ngunit maaari kang maging malakas na impluwensya.

Taurus   (April 20 – May 20) Ang disiplina ang susi upang matapos ang lahat ng mga bagay ngayon, kaya isantabi muna ang ibang mga plano o bitiwan muna ang isang aktibidad upang maging maayos ang schedule.

Gemini   (May 21 – June 20) Kuntento ka sa mga bagay na dumarating sa iyo ngayon, at nakikita mong natutupad na ang iyong mga plano.

Cancer   (June 21 – July 22) Hayaang magningning ang bituin ng iba ngayon – ikaw naman ang makinig at suriin ang kanilang mga ginawa.

Leo   (July 23 – August 22) Aksyonan ang iyong plano ngayon – bagama’t sa iyong palagay ay malasado lamang ito.

Virgo  (August 23 – September 22) Hayaan ang sariling magdahan-dahan, ilang saglit lamang ay tiyak na muli kang sisigla.

Libra  (September 23 – October 22) Mararamdaman mo ang iyong koneksyon sa mga taong mahal mo, at magiging masaya kang kapiling nila, bagama’t lahat kayo’y abala sa trabaho.

Scorpio   (October 23 – November 21) Mainam ang panahon ngayon sa pagsusulong sa isang direksyon hanggang sa makarating sa lugar na iyong ninanais.

Sagittarius   (November 22 – December 21) Okey lamang kung nais mong mapag-isa ngayon – sa katunayan, baka kailangan mong i-recharge ang iyong mental batteries bago muling magiging kapakipakinabang ang pakikipagsosyalan.

Capricorn   (December 22 – January 19) Walang sino mang nagnanais na lumapit at sabihin kung ano ang nais nila ngayon – nakadedesmaya.

Aquarius   (January 20 – February 18) Dapat mas mataas ang iyong diwa kaysa dati, kailangan mong harapin ang halos lahat ng bagay – perpekto ang pagdaloy ng iyong personal energy.

Pisces  (February 19 – March 20) Magandang ideyang rebyuhin ang ilang mga bagay ngayon, gawin ito habang may panahon pa.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sapat lamang ang iyong enerhiya upang matapos ang lahat ng mga gawain, naplano mo nang lahat ang mga ito hanggang sa huling detalye.

ni Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top