Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pintor tinarakan ni misis

Pintor tinarakan ni misis

SUGATAN ang isang pintor makaraan saksakin ng gunting ng kanyang live-in partner, nang magtalo ang dalawa habang kapwa lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Caloocan City Medical Center, sanhi ng saksak sa dibdib si Danilo Macaraeg, 43, ng 57 Rosario St., Brgy. 155, Bagong Barrio, habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Michelle Aguilar, 32-anyos, ng nasabi ring lugar.

READ MORE:  NANAWAGAN ang grupong Makabayan Bloc sa Supreme Court na...
READ MORE:  Pulis na nakapatay sa naarestong rider, nag-suicide?

Batay sa imbestigas-yon ni PO2 Gian Clifford Malonzo, ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 1, dakong 9:00 pm, nagtalo ang mag-asawa na parehong lasing sa hindi nabatid na dahilan.

READ MORE:  COP sibak sa kotong sa 3 Koreano

Biglang kumuha ng gunting ang misis saka inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima.

Isinugod ang biktima sa pagamutan habang naaresto ang suspek sa follow-up operation ng mga awtoridad.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved