Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot nagutay sa granada

Kelot nagutay sa granada

CEBU CITY – Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang lalaki nang masabugan ng isang riffle grenade sa Brgy. Tisa, sa lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Ruben Genteroni, nakatira sa Sitio Katambisan, sa nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Alex Dacua, ng Homicide Section ng Cebu City Police Office (CCPO), galing sa damuhan ang biktima dahil sa tawag ng kalikasan nang makita ang isang granada.

Agad niyang pinulot ang granada, at plano sanang i-report sa barangay ngunit habang nasa daan ay pinakialaman kaya natanggal ang safety pin, at tuluyang sumabog sa mismong kanyang katawan.

Ikinagulat ng mga kapitbahay ang narinig na pagsabog at tumambad sa kanila ang nagkalasog-lasog na katawan ng biktima.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved