Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Estrada, may kinakalantari raw kapag naglalaro ng golf
John Estrada, may kinakalantari raw kapag naglalaro ng golf

John Estrada, may kinakalantari raw kapag naglalaro ng golf

TINATAWANAN lang nina Priscilla Meirelles at John Estrada ang tsikang nambabae ang huli.

Hindi naniniwala si Priscilla dahil ang chism ay nakikita raw ang girl ‘pag naggo-golf ang actor.

Maraming friends si Priscilla na members sa pinaglalaruan ni John ng golf kaya imposibleng walang magsumbong sa kanya.

READ MORE:  Angelica at Lloydie, ‘di raw apektado sa hiwalayan

Nagtataka rin si John kung saan galing ang tsismis ukol sa Chinese na sinasabing babae niya. Biniro nga namin siya na baka nakita siya sa Chinese New Year.

Si Priscilla na pala ang tumatayong manager ni John. Balita namin ay may offer ngayon ang GMA 7 sa actor pagkatapos niyang gawin sa ABS-CBN 2 ang Magpahanggang Wakas.

READ MORE:  Sunshine Cruz, walang kupas bilang Hot Momma!

Inabot ng serye ang expiration ng kontrata ni John sa Kapamilya Network kaya open din siyang makipag-negotiate sa Kapuso Network.

Anyway, balitang may meeting na rin si John sa ABS-CBN 2 habang bukas din siya sa alok ng GMA 7.

READ MORE:  Mindanao, malapit sa puso ni Ka Freddie

Si Priscilla naman ay kasama sa bagong serye ng Kapamilya Network na WildFlower na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved