Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay, 1 kritikal sa buko juice

1 patay, 1 kritikal sa buko juice

PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang kanyang kaibigan kaibigan, makaraan tumungga ng buko juice, sinasabing may lason, sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center  si Amado Mendoza Jr., 24, ng Block 12, Lot 32, Phase 3, Brgy. Longos, ng nasabing lungsod, habang inoobserbahan sa naturang pagamutan si Jaypee Cabillan, 20, ng Block 12, Lot 32, Area 3, Phase 2, ng nasabi ring barangay.

READ MORE:  3 drug lords sa Bilibid riot ililipat sa gov’t hospital
READ MORE:  2 mixed martial arts fighters patay sa highway; Motorcycle rider dedbol sa bundol

Sa imbestigasyon nina SPO1 Fernando Hernando, at PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 7:00 am nang uminom ang mga biktima ng buko juice.

Pagsapit ng 9:00 am, biglang humandusay habang bumubula ang bibig ng mga biktima sa loob ng bahay ni Mendoza.

READ MORE:  ‘Rice cartel’ hubaran ng maskara — Duterte

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung saan nabili ang buko juice, at kung anong uri ng lason ang taglay nito. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved