Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tuloy ang butasan ng gulong ng sidecar sa Maricaban, Pasay City (Attn: PNP Chief, DG Bato!)
Tuloy ang butasan ng gulong ng sidecar sa Maricaban, Pasay City (Attn: PNP Chief, DG Bato!)

Tuloy ang butasan ng gulong ng sidecar sa Maricaban, Pasay City (Attn: PNP Chief, DG Bato!)

Parang gusto na nating maniwala na may kinalaman ang Pasay local government officials sa butasan ng gulong ng mga sidecar sa Maricaban, Pasay City.

Aba, e parang hindi man lang kinalambre ang Pasay police sa pamumuno Senior Supt. Lawrence Coop.

Hindi natin alam kung ano ang layunin ni Kernel Coop at parang wala siyang pakialam kung salantain ng kanyang mga pulis ang kabuhayan ng maliliit nating kababayan na pedicab driver.

Kung ipinagbabawal ang mga sidecar o pedicab, bakit kailangan butasin ang mga gulong?!

Ganyan lang ba talaga ang alam na sistema ng Pasay PNP sa pagpapatupad ng peace and order, ang mandahas ng maliliit nating kababayan?!

Kung sa maliliit na tao lang magiging matapang ang PNP sa pamumuno ni DG Bato dela Rosa, pero tiyope sa malalaking sindikato ng droga at iba pang ilegalista, paano magtatagumpay ang “war on drugs” ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?

Hinihintay pa siguro ni Kernel Kup ‘este’ Coop na makarating itong pagmamalupit sa maliliit na pedicab driver kay Tatay Digong bago niya ipatigil ang pagmamalabis na gaya nito?!

Gen. Bato, Kernel Coop, ayusin naman n’yo ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Otso-otso bawal na sa congressman

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved