Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Palit-puwesto sa House leaders idaraan sa botohan
Palit-puwesto sa House leaders  idaraan sa botohan

Palit-puwesto sa House leaders idaraan sa botohan

IPINALIWANAG ni Speaker Pantaleon Alvarez, hindi agaran ang pagtatanggal sa puwesto sa mga lider ng Kamara, na hindi susuporta sa death penalty.

Paglilinaw ni Alvarez,  patatapusin muna nila ang botohan sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan, bago magdesisyon ang liderato kung sino ang dapat alisin sa posisyon.

READ MORE:  Cargo, private planes aalisin sa NAIA (Ililipat sa probinsiya)

Sa botohan sa plenaryo malalaman ang opisyal na boto ng bawat Kongresista, minorya o mayorya man, kasama rito ang deputy speakers, chairman, at vice chairman ng mga komite.

Kasabay nito, itinanggi ni Alvarez na pinupuntirya niyang alisin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo(GMA), isa sa 14 deputy speakers, dahil kilalang anti-death penalty, at napapabalitang hinahangad ang speakership

READ MORE:  12 NBP inmates haharap sa Kamara vs De Lima (Sa illegal drug trade)

Usapin sa death penalty aniya ang ugat ng kanyang plano kay GMA, dahil hindi katanggap-tanggap na manatili siya sa mayorya, kung hindi kasundo sa prayoridad na kanilang itinutulak.

Wala aniyang nararamdaman si Alvarez na binabalak ni GMA na palitan siya sa puwesto.

READ MORE:  2 bata patay sa Dengue

Kaugnay nito, game si Alvarez kung may nagbabalak na sipain siya sa kanyang upuan, basta ang mahalaga aniya ay maisulong ang kagustuhan ng Pangulo, na maibalik ang death penalty sa bansa.

(JETHRO SINOCRUZ)

COMMENTS

About Jethro Sinocruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved