Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Binatilyo kritikal sa saksak ng karibal
Binatilyo kritikal sa saksak ng karibal

Binatilyo kritikal sa saksak ng karibal

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 19-anyos binatilyo, makaraan pagsasaksakin ng dating nobyo ng babaeng kanyang nililigawan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Christian Kenneth Cañares, ng 1284 Raja Matanda St., Brgy. Daanghari, ng nasabing lungsod.

Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Mark Phil Cruz alyas Mapi, nasa hustong gulang, ng Bagong Kalsada St., Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO3 Allan Bangayan at PO1 June Paolo Apellido, dakong 11:00 pm, kausap ng biktima at pinopormahan si Jacklyn Simeon sa M. Naval St., nang dumating ang suspek na sakay ng bisikleta kasama ang tatlong lalaki.

Nagselos ang suspek nang makita ang dalawa kaya bumaba ng bisikleta, kinompronta ang biktima na mabilis tumakbo ngunit hinabol siya ni Cruz, pinagsasaksak sa likod at pagkaraan ay tumakas.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top