Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Biyahe ng police scalawags sa Basilan inaayos na (Parusa pinaboran ni lacson)
Biyahe ng police scalawags sa Basilan inaayos na (Parusa pinaboran ni lacson)

Biyahe ng police scalawags sa Basilan inaayos na (Parusa pinaboran ni lacson)

INAAYOS na ng PNP sa Philippine Air Force (PAF), ang eroplanong sasakyan ng mahigit 200 police scalawags, na i-dedestino sa Mindanao.

Sinabi ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), agad silang magsasagawa ng koordinasyon sa PAF, kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na idestino sa Basilan ang mga tiwaling pulis.

READ MORE:  Hostage-taker na bangag todas sa parak (Babae, bata, sugatan)

Dagdag niya, maglalaan ng pondo ang kanilang PNP provincial, at regional directors sakaling kailangan nilang personal na dumalo sa mga kasong kinakaharap nila sa mga korte sa Metro Manila.

Magugunitang galit na hinarap ng pangulo ang halos 300  pulis sa Malacañang kamakalawa, pinagmumura at sinabon nang husto.

READ MORE:  Disbursing officer kritikal sa P1.7-M payroll robbery

Samantala, aminado si Albayalde, maraming pulis ang nais magbitiw kaysa mailipat sa Basilan.

PARUSA SA POLICE SCALAWAGS
PINABORAN NI LACSON

PABOR si dating PNP chief at ngayon ay senador Panfilo Lacson, sa hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte, laban sa police scalawags.

Matatandaan, pinagmumura ni Duterte ang mahigit 200 pulis, na sangkot sa sari-saring kaso.

READ MORE:  Gov’t Makupad (Maanomalyang kontrata sa LRT 2 binatikos)

Bukod dito, plano ng presidente, na ipadala sila sa ilang malalayong probinsiya ng Mindanao.

Para kay Lacson, nararapat lamang sa rogue cops ang mabigat na parusa, dahil kahihiyan ang dulot nila sa hanay ng pulisya.

“Rogue cops shame the PNP; they deserve nothing less,” wika ni Lacson.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved