Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 sugatan sa rambol ng construction workers
2 sugatan sa rambol ng construction workers

2 sugatan sa rambol ng construction workers

MALUBHA ang kalagayan ng dalawang construction worker makaraan masaksak nang magrambolan habang nag-iinoman sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi mga saksak sa likod ang biktimang si Marlon Bartolo, 29, at isa sa mga suspek na si Joselito Nabao, 35, may saksak din sa likod, kapwa stay-in sa Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

READ MORE:  5 kasunduan nilagdaan ng PH, Jordan

Habang agad naaresto ng mga barangay tanod sina Rodolfo Rosales, 29, at Joselito Pandoro, 31, habang ang kapatid na si Jesel Pandoro, 29, ay pinaghahanap ng pulisya, pawang stay-in sa naturang lugar.

READ MORE:  2 airport police nabaril

Sa ulat nina PO3 Julius Mabas, PO2 Jose Romeo Germinal II, at PO1 Joenel Claro, dakong 4:00 am, habang nag-iinoman ang grupo nang biglang magrambolan sa hindi nabatid na dahilan, nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang construction worker.

READ MORE:  Pagbubuo ng Code of Transportation and Commuter Safety isinulong ni Marcos

Mabilis na humingi ng tulong ang foreman na si Raul Logos, sa mga barangay tanod, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved