Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice, ibinuking ang relasyong Julia at Coco!
Vice, ibinuking ang relasyong Julia at Coco!

Vice, ibinuking ang relasyong Julia at Coco!

MUKHANG na-stress ang Doble Kara star na Julia Montes nang uriratin ni Vice Ganda ang kanyang lovelife sa Gandang Gabi Vice. Nandoong kalabitin si Vice sa paa o kaya naman ay iniiba ang topic at bumabaling kay Maxene Magalona.

Hirit ni Vice, “So hindi pa kayo mag-jowa ni Coco?”

“Hindi. Hindi pa,” sagot naman ni Julia.

Pero si Coco ang pinili niya na pupusuan, si Enchong Dee ang  pupusunin, at si Sam Milby ang sisikmurain niya dahil kabiruan niya.

“Super close kami talaga. At saka ano, siguro, sa kanya ako mas komportable,” saad pa niya.

Masasktan ba siya kung manligaw ng iba si Coco?

“Kapag pinagsabay, siyempre. Sino ba namang babae ang gusto na kung nililigawan ka, tapos may nililigawang iba,” pakli ni Julia.

“Charot charot ‘tong si Coco. Noong nagkita kami sabi niya kayo na,” pambubuking naman ni Vice.

“Your happiness is may friend,” sey pa ni Vice kay Julia na ang tinutukoy niyang kaibigan ay si Coco.

Havey!

TALBOG  – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved