Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lambingan nina Liza at Enrique sa aparador, pang-hay-iskul
Lambingan nina Liza at Enrique sa aparador, pang-hay-iskul

Lambingan nina Liza at Enrique sa aparador, pang-hay-iskul

Lambingan nina Liza at Enrique sa aparador, pang-hay-iskul

PAREHONG kagustuhan nina Liza Soberano at Enrique Gil na makapunta ng South Korea kaya natuwa sila nang maaprubahan ng Star Cinema na mag-shoot sila ng My Ex and Whys sa nasabing bansa.

Sey ni Liza, gusto nilang mag-Korea  dahil sa blockbuster movie na Train to Busan.

Anyway, bagamat may eksena silang sensual ang dating na nasa loob ng aparador at nakahubad ng pang-itaas si Enrique, nilinaw ni Direk Cathy Garcia- Molina na pang-high school lang ang ginawang lambingan ng dalawa. Cutie-cutie lang na patawa at walang kahalayang naganap. ‘Seven minutes in heaven’ daw ang  larong ‘yun. Gusto niya kasi na kahit tatlong taong gulang ay puwedeng panoorin ang My Ex and Whys.

Sinabi rin niya na sa mga susunod pang movies ng LizQuen ‘yung pang-college na lambingan na humahantong na sa love scene, ‘quick sex’ etc. Hirit nga ni Enrique, kiss-kiss lang ang nangyari at hindi ‘kiskisan’.

ni ROLDAN CASTRO

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved