Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / De Lima, Topacio nagkainitan sa Senado
De Lima, Topacio nagkainitan sa Senado

De Lima, Topacio nagkainitan sa Senado

NAPIKON si Sen. Leila De Lima kay Atty. Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), nang  mabanggit sa pagdinig ang drug trafficking issue tungkol sa senadora.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on justice and human rights, pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, isa sa ipinatawag ang grupo ni Topacio, upang magbigay ng posisyon kung bakit sila pabor sa pagpapabalik ng capital punishment.

READ MORE:  40 arestado sa anti-crime ops sa Malate

Nabanggit ni Topacio, dapat nang ipatupad ang parusang kamatayan dahil lumalala na ang drug trafficking sa bansa, at maging sa piitan sa New Bilibid Prison (NBP), na nadadawit aniya si De Lima.

READ MORE:  3-araw tigil-pasada banta ng transport groups

Makaraan ang pagpapaliwanag ni Topacio, agad tumayo si De Lima at galit na galit na kinompronta ang abogado kung bakit isinama pa siya sa paliwanag.

READ MORE:  Palawan ‘di magiging lunsaran ng US-China war

Nagtangkang magpaliwanag si Topacio ngunit nanggagalaiti sa galit ang senadora, kaya inawat ni Gordon at pansamantalang sinuspendi ang pagdinig.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved