Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dayanara, game makatrabaho muli si Aga
Dayanara, game makatrabaho muli si Aga

Dayanara, game makatrabaho muli si Aga

WALA pala sa bansa ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach kaya hindi nila napanood ang interviews ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres na willing muling makatrabaho ang ex-boyfriend niya.

Sa panayam ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda noong Lunes ng gabi ay inamin ni Dayanara na okay sa kanyang makatrabaho si Aga kung may offer dahil naging maganda naman ang working relationship nila at binanggit din si Paolo Contis na nakasama rin niya.

READ MORE:  NBI, itinangging sumuko sina Cedric Lee at Zimmer Raz

Aniya, “absolutely, I mean I had a great time working with Aga and everyone in the movie, Paolo Contis, you know, so many people I have a great time and absolutely I would love to do movie if there’s a possibility.”

Tinanong din ang dating beauty queen tungkol sa paghihiwalay nila ni Aga at inamin niyang labis siyang nasaktan.

READ MORE:  Cinema One Originals teen actress Teri Malvar isa sa mga tumanggap ng 2016 Screen International Rising Star Asia Award

“It wasn’t a terrible breakup, but I do remember being hurt and wanting to go, wanting to pack my stuff, but you know it was the way it was supposed to be,” sagot nito kay kuya Boy.

Samantala, humingi kami ng panayam kay Aga sa pamamagitan ng manager niyang si Manay Ethel Ramos pero sabi sa amin, “wala sila ni Charlene rito, ‘di ba? Nasa US.  May inaasikaso silang negosyo roon.”

READ MORE:  Kimmy Dora, lumalaban sa My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy

Ang tanong, kung sakaling may offer na pelikula kina Yari at Aga, tatanggapin kaya ng aktor? At anong pelikula kung sakali ang una niyang gagawin, eh, matagal na rin siyang hinihintay nina Lea Salonga at Sharon Cuneta.

Anyway, abangan ang mangyayari sa pagbalik ni Dayanara sa Pilipinas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved