Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Banayo ng Meco dapat palitan
Banayo ng Meco dapat palitan

Banayo ng Meco dapat palitan

SI Lito Banayo ay maihahalintulad sa isang ibong Sparrow na nakahanap ng init sa ebak ng Russian bull.

Mula nang mai-appoint sa MECO si Banayo, wala nang nakapansin sa kanya, sobra kasi siyang tahimik.

Tahimik na tahimik kaya nga walang nakapapansin.

Kung hindi pa nagreklamo ang mga dating opisyal at empleyado ng MECO dahil agad-agad silang tinanggal sa kanilang puwesto ng bagong talagang chairman na si Lito Banayo hindi pa sasambulat ang kung ano-anong kabulastugan sa tanggapan na ‘yan.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay hindi na umano inirerespeto ni Banayo kaya nga siya na lang ang nagdedesisyon para sa MECO.

DFA Secretary Perfecto Yasay sir, mukhang mayroon kang tao na nakawala sa ‘kural’ na iyong ipinapastol at pinamamahalaan.

Papayag ka bang, nababastos ka ng isang gaya ni Banayo?

By the way, ano na po ba ang status ng kasong graft at rice smuggling na  kinasasangkutan ni Banayo?

Paki-check lang po, Secretary Yasay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved