Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4-anyos patay sa QC fire
4-anyos patay sa QC fire

4-anyos patay sa QC fire

PATAY ang isang 4-anyos totoy, makaraan maiwan sa isa sa apat na nasusunog na bahay, sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon.

Sa ulat ni Quezon City Fire Marshal, Sr. Supt. Manuel Manuel, ang biktima ay kinilalang si Angelo Sison, ng Kasoy St., Brgy. Commonwealth.

READ MORE:  Bilibid prison guard itinumba sa droga

Ayon kay Manuel, dakong 3:25 pm, nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Leo Magtangob, sa 16-D Kasoy St. ng nasabing lugar.

Dahil gawa sa kahoy ang bahay ni Magtangob, mabilis itong tinupok ng apoy, gayondin ang apat katabing bahay, kabilang ang bahay ng pamilya Sison.

READ MORE:  Testigo sa link ni Kerwin kay Leila haharap sa senado (Sa illegal drug trade)

Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog, at kung paano naiwan ang paslit sa bahay, gayong nakalabas ang kanyang mga kaanak.

READ MORE:  1 preso patay, 1 kritikal sa siksikang kulungan (Sa QCPD Station 4)

Naapula ang sunog dakong 3:50 pm, makaraan umabot sa ikalawang alarma.

Umaabot sa P40,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo sa nasabing sunog.

(ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved