Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 10 Things We Fight About book nina Richard at Maricar, ilalabas na
10 Things We Fight About  book nina Richard at Maricar, ilalabas na

10 Things We Fight About book nina Richard at Maricar, ilalabas na

SA ikaapat na wedding anniversary (June 8) nina Richard Poon at Maricar Reyes-Poon ilalabas ang librong isinulat nilang may titulong 10 Things We Fight About mula sa ABS-CBN Publishing.

Maraming nagka-interes sa blog nina Richard at Maricar na may titulong Relationship Matters PH na nakalagay lahat ang tungkol sa kanila simula noong ikasal sila four years ago.

READ MORE:  Block screening ng The How’s Of Us, kasado na

Tulad ng ordinaryong mag-asawa ay marami ring ups and downs sina Richard at Maricar kaya sa pamamagitan ng Facebook account nilang RelationshipMattersph ay nakalagay lahat ang mga pinagdaraanan nila.

Ang ilan sa nasulat ay Leave and Cleave 1: Why living BESIDE your Parents is bad for you Wife. Leave and Cleave 2: I wanted to leave Richard and go back home. Leave and Cleave 3: Sometimes the biggest block to leave is the Parents.

READ MORE:  Dennis, imbitado kaya sa 18th bday ng anak na si Julia?

Ipinost din ng mag-asawa ang mga travel nila sa ibang bansa.

May mga nagpayong gawing libro ang blogs nina Richard at Maricar kaya’t ipinitch ito ng manager nilang si Erickson Raymundo sa ABS-CBN Publishing at kaagad naman itong nagustuhan.

Samantala, on-going naman ang promo tour nina Richard at Richard Yap para sa latest album nilang RichardxRichard Chinito Crooners mula sa Star Music na patok sa kanilang fans na pumunta sa Robinson’s Magnolia noong Pebrero 4.

READ MORE:  Netizen nasopla ni Anne, tinawag na kasuklam-suklam

Ang mga awitin na nakapaloob sa album ay repertoire sa nakaraang concert nila noong isang taon sa PICC.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved