Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tindera utas sa boga, suspek dedbol sa bundol
Tindera utas sa boga, suspek dedbol sa bundol

Tindera utas sa boga, suspek dedbol sa bundol

PATAY ang isang tindera makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, ngunit namatay rin ang isa sa mga suspek, nang habulin ng live-in partner ng biktima at binundol, sa Marilao, Bulacan, kamakalawa ng umaga.

READ MORE:  4-anyos paslit sinakmal ng asong ulol

Ayon sa pulisya, nagbubukas pa lamang ng tiangge si Ma. Luz Guirao, nang lapitan ng isang armadong lalaki, at pinagbabaril sa Ruby St., Villa Consuelo Subdivision, Brgy. Abangan Sur, sa naturang bayan.

READ MORE:  77-anyos magsasaka nagbitay sa hirap ng buhay

Habang papatakas ang suspek lulan ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasama, hinabol sila ng live-in partner ng biktima na si Mr. Delos Santos, lulan ng sasakyan, at binundol ang dalawa.

READ MORE:  Independence Day ‘di natinag ng ulan

Tumilapon ang mga suspek, nagresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila bunsod nang pagkabasag ng bungo.

Ngunit matagumpay na nakatakas ang isang suspek lulan ng motorsiklo. (MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved