Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sundalo, driver ng mayor sugatan sa Basilan blast
Sundalo, driver ng mayor  sugatan sa Basilan blast

Sundalo, driver ng mayor sugatan sa Basilan blast

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang Army Scout Ranger at ang driver ng alkalde, sa magkasunod na pagsabog ng bomba sa Sitio Sawiti, Brgy. Calut, sa munisipyo ng Tuburan, lalawigan ng Basilan, kahapon.

Ayon kay Maj. Gen. Carlito Galvez, Jr., commander ng Western Min-danao Command (WestMinCom), nangyari ang pagsabog habang nagsasagawa ng joint medical and dental activities, ang mga sundalo ng 3rd Socut Ranger Battalion, kasama ang municipal government ng Tuburan kahapon.

READ MORE:  7 patay, 33 huli sa Davao drug raid

Kinilala ang nasugatang sundalo na si Cpl. Christian Ibarreta, at ang driver ni Tuburan Municipal Mayor Dorie Kallahal, na si Misuari Jamiri.

READ MORE:  Biyuda binoga sa ulo

Nawasak ang ilang bahagi ng sasakyan ni Mayor Kallahal dahil sa pagsa-bog.

Napag-alaman, unang sumabog sa bomba, ilang metro ang layo mula sa lugar nang pinagdarausan ng medical activity. Agad itong pinuntahan ng mga sundalo, at ilang saglit lamang makaraan, sumabog ang pangalawang bomba sa hindi kalayuan.

READ MORE:  Vice mayor sa Cagayan patay sa ambush

Narekober ng mga kasapi ng Explosive Ordnance Division (EOD), mula sa lugar ng pagsabog, ang dalawang piraso ng circuit, isang handled radio, dalawang battery, at 20 metro ng electric wire.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved