Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Civil disobedience’ ng mga taxpayer sa Maynila vs. Erap

‘Civil disobedience’ ng mga taxpayer sa Maynila vs. Erap

00 Kalampag percyNAGBANTA si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na ipaghaharap ng kaso ang mga residente at negosyante na tinawag niyang ‘delinquent taxpayers’ sa Maynila.

Kesyo layon daw niya na mapataas ang koleksiyon para mapondohan ang mga proyekto at pangunahing serbisyo sa mga Manileño.

Marami na tayong nakausap na residente at negosyante na iisa ang idinaraing – ang sobrang taas ng singil sa buwis at amilyar ngayon sa Maynila kompara sa panahon ni Manila Mayor Alfredo Lim, ilang taon lang ang nakararaan.

Sa unang taon pa lamang nang pag-upo ni Erap ay 300 porsiyento kaagad ang itinaas ng bayad sa buwis at amilyar at patuloy pang tumataas kada taon.

Nuknukan talaga nang sinungaling ang matandang hukluban na si Erap at walang kasawa-sawa sa panloloko dahil ni isa ay wala naman siyang naipagawang proyekto mula nang sakupin ng kanyang angkan ang Maynila.

Anong serbisyo ang pinagsasasabi ng damuhong si Erap samantala ginawa pa nga niyang may bayad ang libreng pagpapagamot sa mga ospital na ipinatayo ni Mayor Lim sa anim na distrito ng Maynila?

READ MORE:  Handa kaya si Binay kung Poe-Roxas ang tandem?

Ang problema, paano at sino ang kakasuhan ni Erap kung maisipang magkaisa ng nakararaming residente at negosyante na pare-parehong hindi magsipagbayad ng buwis at amilyar?

‘Yan ang tinatawag na civil disobedience, mapayapa pero epektibong protesta na maaring gawin ng mamamayan laban sa mga abusado, gahaman, masisiba at walang kabusugan na tulad ni Erap sa pamahalaan.

‘HONEY HAS NO MONEY’

AWAY-AWAY na ang mga dating magkakasabwat sa Maynila matapos tapyasan ng mga garapata ni Erap sa Konseho ang pondo ng opisina ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Ito ay hudyat na umpisa na ang napakaagang kampanya ng mga politikong sukab na hunghang sa Maynila para sa 2019 elections. (‘Yan naman ay kung may eleksiyon pa.)

Sa utos ng kanilang amo, tinapyasan ng pondo ang opisina ni Lacuna sa pangambang makapag-ipon ng pondo na magagamit sa ikinakamada nilang tambalan ng dating vice mayor, ex-future senator at lover-boy na si Isko Moreno para sa susunod na eleksiyon.

Gaya nang matagal na nating hula, dumating na ang oras ng pagkakawatak-watak ng mga dating nagsabwatan noong 2013 elections na hindi makapagnakaw sa matinong administrasyon ni Mayor Lim.

READ MORE:  Manila–DSWD inutil nga ba?

Humina na ba ang kamandag ni lover-boy next door Isko sa nabansagang judiciary fixer na si Ma’m Arlene kaya nabasura ang isinampang kaso ni Lacuna sa korte kaban kay dating fiscal at nakabalik na konsuhol, este, Konsehal Casimiro Sison at iba pang asungot ni Erap sa Konseho?

Kaya naman pala hindi ko na matanaw ang naglalakihang sulat sa pader na “Erap is my Honey” dahil burado na ang dating campaign slogan na ginamit ng tambalan nina Erap at Lacuna noong 2016 elections.

Ang bagong slogan daw na gagamitin ni Erap sa susunod na eleksiyon ay: “Honey Has No Money.”

Paano ngayon ang mga multong empleyado na ikinukubra ng suweldo sa payroll ng Manila city hall?

Tsk, tsk, tsk…wala talagang forever!

PANGANGAMKAM
SA MGA PROPERTY
TARGET NI ERAP

KALIWA’T kanan pala ang pagkompiska ng lupa at mga property sa Maynila mula nang maluklok ang sentensiyadong mandarambong na si Erap sa Maynila.

READ MORE:  Editorial: Sa VMMC din si PNoy

Pangangamkam ang sinasabing target ng babala ni Erap sa delinquent taxpayers, lalo ang mga commercial at business property sa Malate na ilang taon nang hindi nababayaran ang buwis dahil ang mga may-ari ay naninirahan sa ibang bansa.

Isang co-accused ni Erap sa kasong plunder ang itinuturong arkitekto ng kahayupang ito at utak na nasa likod din ng pagsasapribado sa mga pampublikong palengke sa Maynila.

Halimbawa na ang maanomalyang pagkakabenta sa Grand Boulevard hotel sa Roxas Blvd., na hindi maipaliwanag kung paano napunta kay William “Plastic King” Gatchalian na isa pang crony at co-accused ni Erap sa kasong plunder.

Ang nasabing hotel na dating pag-aari ng pamilya Panlilio ay kompiskado dahil sa utang na hindi bababa sa halagang P300-M.

Bakit hindi maideklara ni Erap sa publiko ang kasunduan kung paano napunta sa ama ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Grand Boulevard hotel?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved