Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 sugatan sa salpukan ng 6 sasakyan sa Rizal
4 sugatan sa salpukan ng 6 sasakyan sa Rizal

4 sugatan sa salpukan ng 6 sasakyan sa Rizal

APAT katao ang sugatan makaraan ang salpukan ng tatlong truck, dalawang taxicabs, at isang SUV sa Ortigas Avenue Ext., sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Reynante Cacao, driver ng blue Elf truck, ang kanyang sasakyan ay sinalpok ng boom truck, na bumangga rin sa isang taxicab (WIT-674) dakong 8:00 pm sa Brgy. Dolores.

Isa pang taxi unit (UWG 890), SUV, at parked Elf truck ang nakaladkad ng boom truck.

Kabilang sa mga mga sugatan sa insidente sina Ely Layuno, Sonny Bravo, at Raymund Lim, agad isinugod sa Taytay Emergency Hospital.

Si Lim, isa sa mga taxi driver, ay nasugatan sa kanyang ulo. Habang si Cacao ay dumaraing nang pananakit ng dibdib makaraan ang insidente.

Si Bravo, porter ng boom truck, ay inilipat kalaunan sa Rizal Medical Center sa Pasig.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved