Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / US walang arms depot sa PH — Envoy
US walang arms depot sa PH — Envoy

US walang arms depot sa PH — Envoy

ITINANGGI ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagtatayo ng arms depot ang tropa ng Amerika sa bansa.

Iginiit ni Kim, ang ginagawang pasilidad ng US forces sa Filipinas ay para paglagakan ng mga equipment sa disaster response.

READ MORE:  COP sa Bulacan tiklo sa kotong

Ayon sa US envoy, hindi maaaring magtayo ng ano mang pasilidad ang Amerika sa mga base militar ng Filipinas, nang walang pahintulot ng Philippine government.

READ MORE:  Laborer grabe sa boga ng sinibak na lead man

“We are not building a weapons depot anywhere in the Philippines,” ani Ambassador Sung Kim.

Una rito, sinabi ni Duterte, may stockpile ang Amerika ng mga armas, kabilang na ang mga tangke, sa tatlong lokasyon sa bansa, posible aniyang maging probokasyon sa China at malagay sa panganib ang Filipinas.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved