Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / SC nag-isyu ng protection order sa Tokhang family victim
SC nag-isyu ng protection order sa Tokhang  family victim

SC nag-isyu ng protection order sa Tokhang family victim

NAG-ISYU ang Supreme Court (SC) ng temporary protection order (TPO), para sa pamilya ng apat drug suspect na napatay sa isinagawang “Oplan Tokhang” sa Payatas, Quezon City, noong nakaraang taon.

Sa naturang kaso, pinangalanan bilang respondent ang PNP sa pangunguna ni Director General Ronald Dela Rosa, Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar,  at QCPD Station 6 commander, Supt. Lito Patay.

READ MORE:  Hubo’t hubad na ginang inilunod sa balde ng tubig (Pamangkin ‘di binigyan ng pera)

Kabilang din dito sina PO1 James Aggaral, at PO1 Melchor Navisaga, mga tauhan ng QCPD.

Sa isinagawang deliberasyon ng SC En Banc, iniutos ng korte sa mga respondent na iwasang lumapit sa bahay at lugar na pinagtatrabahuan ng petitioners sa layong isang kilometro.

READ MORE:  Ex-INC Minister Menorca inaresto

Pinagsusumite ng SC ang mga respondent ng “verified return of the writ” sa Court of Appeals (CA) sa loob ng limang araw.

Bukod dito, iniutos ng hukuman sa appellate court na magsagawa ng pagdinig at desisyonan ang petisyon kasama ang iba pang kahilingan ng mga petitioner.

READ MORE:  Negosyante patay  sa ambush sa Kyusi (2 sugatan)

Kapag naideklarang submitted for decision ang kaso, dapat ay makapagpalabas ng desisyon ang CA sa loob ng 10 araw.

Magugunitang naganap ang insidente sa Payatas noong 21 Agosto 2016.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved