Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sanggol patay, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas
Sanggol patay, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas

Sanggol patay, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas

PATAY ang isang sanggol habang dalawa ang sugatan makaraan matupok ang mahigit 100 bahay sa Las Piñas City nitong Lunes ng hapon.

Sa naantalang ulat ni FO3 Joel Pascua ng Las Piñas Bureau of Fire Protection, kinilala ang namatay na si Christian Jay Awitin, isang taon gulang, naiwanan sa loob ng nasusunog nilang bahay.

READ MORE:  2 patay, 3 sugatan sa truck vs tricycle sa Quezon

Habang sugatan sina Ronaldo Lamanilao, 50, at Alvin Castillo, 45-anyos.

READ MORE:  Resign petition vs Tolentino ibinasura ng Palasyo

Sa ulat ni Pascua, dakong 1:32 pm nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Joselito Cuaderno, inuupahan ng ina ni Christian na si Christine, 26, sa Satima Compound, Fatima Village, Brgy. Talon 2, Las Piñas City.

READ MORE:  2 pulis nag-duelo sibilyan dedbol

Mabilis na kumalat ang apoy dahil magkakadikit ang mga bahay na pawang yri sa light materials, at nadamay ang ilang bahay sa kalapit na Woodsrow Subdivision.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved