Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / No killings ikinagulat ng Senado
No killings ikinagulat ng Senado

No killings ikinagulat ng Senado

NAHIHIWAGAAN sina Senador Panfilo Lacson at Senadora Leila De Lima, dahil walang naitalang vigilante killings, at walang napatay ng riding-in-tandem sa buong magdamag, makaraan tanggalin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang “Oplan Tokhang” at buwagin ang anti-illegal drugs group sa PNP.

READ MORE:  Martial law kailangan ng administrasyon (Para sa 5 layunin)

Nagulat si Lacson nang tanungin ng mga mamamahayag sa Senado kung ano ang reaksiyon niya dahil zero killings sa magdamag, makaraan ang pagpapatigil sa Oplan Tokhang.

Kinuwestiyon ni Lacson kung bakit kung kailan natigil ang Oplan Tokhang, natigil din ang vigilante killings.

READ MORE:  Bahay ni Kerwin gagawing drug rehab center

Natawa pa si Lacson dahil tila magpapaliwanag ngayon ang PNP, kung bakit walang napatay sa magdamag, na dati-rati ay nagpapaliwanag ang PNP dahil sa rami ng mga namamatay sa magdamag na sangkot sa illegal drugs, at marami ang napapatay ng mga vigilante group.

Habang sa panig ni Senadora De Lima, sinabi niyang kung totoo na walang namatay sa loob ng 24 oras, makaraan ipatigil ng PNP Chief  ang Oplan Tokhang, isa aniya itong malakas na katibayan na iisa lamang ang gumagawa ng patayan gabi-gabi sa mga sangkot sa illegal drugs.

READ MORE:  Maynila, Pasig inaatake ng malalaking lamok

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved