Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / PNP Anti-Illegal Drugs Units binuwag na
PNP Anti-Illegal Drugs Units binuwag na

PNP Anti-Illegal Drugs Units binuwag na

Binuwag (pansamantala raw?) na ang buong yunit ng anti-illegal drugs unit ng Philippine National Police (PNP).

Ang operasyon laban sa ilegal na droga ay ipinauubaya ng Pangulo sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kasunod nito, lilinisin umano ang hanay ng pulisya, hindi lamang sa isyu ng ilegal na droga gayondin sa lahat ng uri ng katiwalian at maglulunsad din ng  lifetsyle check.

Inamin na rin mismo ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa na 48,000 o 40 porsiyento ng pulisya ay sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian. Dahil dito, nagmungkahing buuin ang counter-intelligence task force bilang unang hakbang sa paglilinis ng pulisya.

Nakikita naman natin ang effort ni DG Bato na linisin ang hanay ng PNP.

Sana sa pagkakataong ito, maging maingat siya nang husto kung sino ang ilalagay niyang tao sa counter-intelligence task force.

Alam din natin na mayroong mga lihim na natutuwa sa nangyayari ngayon sa PNP. Kaya kung mabibigo ang gaya nina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at DG Bato sa paglilinis ng PNP, sino pa kaya ang aasahan nating gagawa nito sa mga susunod na panahon?!

Kung ibinoto ng 16 milyong Filipino si Pangulong Digong, sana man lang, kahit ‘yung 10 milyong Filipino ay tulungan si DG Bato na linisin ang PNP.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  May revolutionary government nga ba?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved