Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Xian, miss agad si Kim
Xian, miss agad si Kim

Xian, miss agad si Kim

SA bagong serye ni Kim Chiu sa ABS-CBN 2 na Ikaw Lang Ang Iibigin, hindi si Xian Lim ang kapareha niya rito kundi ang dati niyang ka-loveteam at boyfriend na si Gerald Anderson.

Si Xian naman ay mapapasama sa A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

READ MORE:  MMFF movie ni Vice, topgrosser pa rin!

Ayon kay Xian, dahil hindi sila magkasama ngayon sa iisang serye ni Kim, nami-miss na niya itong makatrabaho at makasama ng halos araw-araw sa taping. Pero naiintinidhan naman niya na hindi puwedeng sila na lang lagi ang magkasama sa bawat proyekto.

Paliwanag ni Xian, ”It’s part of our job to grow. And it’s part of our job na makita kami ng audience namin in different projects. At the same time, huwag silang mawalan ng pag-asa… ‘yung mga gusto kaming makita together onscreen.”

READ MORE:  Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert

Ang mahalaga ay walang nagbago sa turingan nila ni Kim pagdating sa personal nilang buhay. Regular pa rin naman ang communication nila ng tsinitang aktres.

READ MORE:  May gamit pa kaya ‘di tinigok!

“’Yung trabaho namin and lahat ng ginagawa namin on a personal basis, it doesn’t really affect what we do. So we’re very supportive of each other.”

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved