Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Puganteng Briton arestado sa Bulacan
Puganteng Briton arestado sa Bulacan

Puganteng Briton arestado sa Bulacan

KALABOSO ang isang puganteng British national makaraan maaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, kaugnay sa kinasasangkutang kaso.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si David Alan Sale, 69, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, ng nabanggit na lalawigan.

READ MORE:  3 drug suspect itinumba ng vigilante

Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, si Sale ay tinutugis sa mga kasong grave coercion at estafa, at may warrant of arrest na para sa suspek.

Napag-alaman, nang aarestohin ng mga awtoridad ang suspek, sinabi niyang wala siya sa ilalim ng hurisdiksi-yon ng korte ng Filipinas dahil siya ay sugo ni Queen Elizabeth ng England, at nagpakita ng ID ng UN bilang International  treasury controller.

READ MORE:  Drug suspect itinumba
READ MORE:  Pamilya veloso nabigla sa execution reports

Ayon pa sa ulat, tinangkang iwasiwas ni Sale ang kanyang 15-inches jungle knife sa arresting officers ngunit agad siyang dinakma.

Bunsod nito, nadagdagan ang kanyang kaso ng direct assault at resisting arrest.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved