Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Puganteng Belgian nasakote sa NAIA
Puganteng Belgian nasakote sa NAIA

Puganteng Belgian nasakote sa NAIA

Sa kabila ng nangyayaring “krisis” sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkawindang ng kanilang nawalang overtime pay, isang magandang accomplishment pa rin ang ipinakita ng BI-Ports Operations Division, BI-Interpol at Border Monitoring and Security Unit matapos nilang masakote ang Belgian fugitive na si Daveloose Franky Freddie sa NAIA Terminal 2 departure area.

Si Daveloose Franky Freddie na sentensiyado sa kasong pagpatay sa Belgium ay nasakote matapos mag-alert ang INTERPOL notice sa database ng immigration departure area.

Ayon kay BI-POD Chief Marc Red Mariñas, dahil sa mga isinagawang “upgrades” sa computer system ng BI ngayon, madali nang ma-access ang information tungkol sa mga “high risk” na personalidad partikular ang mga “fugitives” na patuloy na minamatyagan ng INTERPOL ng iba’t ibang mga bansa.

Nagpakita agad ng pasasalamat ang bansang Belgium partikular ang kanilang sariling INTERPOL sa accomplishment na ito ng Immigration NAIA.

Kudos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Sarhento Kolektong ng ‘DILG at PNP’ gumagala na sa Metro Manila

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved