Friday , May 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagtawag sa ‘Pinas sa top 9, ibinitin
Pagtawag sa ‘Pinas  sa top 9, ibinitin

Pagtawag sa ‘Pinas sa top 9, ibinitin

PAGKARAAN ng Top 13, isinunod ang swimsuit portion na roon tinawag ang Top 9.

Nakasama sa listahan ng Top 9 sina Miss USA, Miss Thailand, Miss France, Miss Mexico, Miss Kenya, Miss Colombia, Miss Canada, Miss Haiti.

Tumawag muna ng commercial si Harvey bago binanggit ang ika-siyam na kasama sa Top 9, ang Miss Philippines. Pero bago ito, marami na ang kinabahan na ipinahayag sa kani-kanilang Twitter account.

Sa kabilang banda, bukod sa casual interview, nabago rin ang format sa bilang ng semifinalist na mula sa 15 ay naging 13 na lamang. Ang 13 ang naglaban-laban para sa swimsuit at dito pinili ang Top 9 para naman rumampa suot ang kani-kanilang evening gown.

Inumpisahan ang gabi ng koronasyon sa pamamagitan ng pagkanta ni US rapper Flo Rida sa pamamagitan ng pagkanta ng kanyang medley hits an gang debut album na Low at ang Zillionaire.

Hinarana naman ng Boyz II Men ang mga finalist sa kanilang awiting  I’ll Make Love To You, On Bended Knee, at End of the Road.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top