Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Zanjoe nade-develop na nga ba kay Bela? (Kahawig kasi ang ex na si Bea!); Sa taas ng ratings ng shows Dreamscape Entertainment nagpa-thanksgiving mass
Zanjoe nade-develop na nga ba kay Bela? (Kahawig kasi ang ex na si Bea!); Sa taas ng ratings ng shows Dreamscape Entertainment nagpa-thanksgiving mass

Zanjoe nade-develop na nga ba kay Bela? (Kahawig kasi ang ex na si Bea!); Sa taas ng ratings ng shows Dreamscape Entertainment nagpa-thanksgiving mass

LAST Thursday, nagpa-thanksgiving mass ang Dreamscape Entertainment team sa pangunguna ng mga business unit head na sina Sir Deo Endrinal at Ma’am Julie Anne Benitez na nag-celebrate ng kanyang birthday three days ago, na sinorpresa ni Coco Martin at well-attended ang surprise party.

Ang nasabing misa ay pasasalamat ng Dreamscape sa Itaas, at lahat ng mga show nila mula 2015 and this 2017 ay pare-parehong matataas ang ratings at bawat show ng nasabing TV production ay loaded with commercials.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin ay consistent na number one sa primetime bida sa latest nationwide ratings na 37.8%, 39.5% (Rural) at Metro Manila na 35.3%. Nasa 17% pataas naman ang ratings ng Doble Kara na mapapanood sa huling dalawang

linggo at pumalo sa 35.4% ang pilot ng bagong handog na istorya sa WANSAPANATAM Presents “My Hair Lady” na pinagbibidahang muli ni Loisa Andalio kasama sina Jameson Blake at Mark Oblea.

At ang kapapalabas na “My Dear Heart” super proud and super happy ang buong team dahil umabot na sa 31.5% ang ratings nito sa Metro Manila. Kahit  kapapalabas pa lang ng inspirational-drama series ay pinag-usapan na agad sa social media at madalas na number one trending ang bawat episode nito lalo na ang pilot. Nasa 31% ang ratings ng soap sa survey ng Kantar Media natiowide na humamig ng 32% sa Urban.

READ MORE:  Birthday concert ni Hugot King Kiel Alo, kasado na

Ang latest news, lalo tuloy nagiging kaabang-abang ang mga tagpo gabi-gabi sa My Dear Heart. Lalo na kapag eksena ng mga karakter ng bidang si Nayomi “Heart” Ramos; gumaganap na mga magulang na sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla bilang Jude at Clara; at lolang si Dra. Margaret Divinagracia, pinakamagaling na heart surgeon na pawang mahuhusay ang portrayal.

Maugong ang balita na nagkakamabutihan na raw sina Zanjoe at Bela at sabi ay magsiyota na umano ang dalawa. Makokompirma ang rumors kapag si Bela ang isinama ni Zanjoe sa panonood ng concert ng globally famous na bandang Coldplay ngayong Abril sa Mall of Asia Arena.

Kaya raw agad nadevelop ang morenong aktor sa kanyang bagong leading lady kasi malaki rin ang pagkakahawig nito sa ex-girlfriend, si Bea Alonzo.

Well good luck to both of them gyud!

XIAN LIM MASAYA SA WELCOME
SA KANYA NI BEA ALONZO SA “A LOVE
TO LAST” ACTOR GAGANAP
NA KARIBAL NI IAN  VENERACION

Sa recent presscon para kay Xian Lim, na papasok na this week ang karakter sa “A Love To Last” bilang sea- man na si Totoy na kababata at may gusto kay Andeng (Bea Alonzo), sinabi ng hunk actor, masaya siya at agad siyang ini-welcome ni Bea sa kanilang soap at nagpasalamat sa kanya ang pretty actress.

READ MORE:  Aga, game master na rin bukod sa pagiging explorer

“Thank you, for being here,” say raw sa kanya nito at hanga siya rito dahil kahit big star na, ay kalog pala at totoong-totoo sa sarili. Excited na raw si Xian sa pagpasok ng kanyang karakter sa ALTL.

“So happy to work with her (Bea), wow overwhelming kasama ang buong cast specially ang family ni Andeng sa Batangas. Sila ang madalas makaeksena ng actor dahil bumalik na nga siya sa Batangas para magpakita kay Andeng at ipagpatapat na ang totoong nararamdaman niya sa dalagang Batangueña, na hindi naipahayag noon dahil walang-wala siya at wala siyang maialok na magandang kinabukasan.

Ang problema ay may namumuo nang magandang samahan kina Andeng at sa mayamang boss nito na si Engr. Anton Noble nang magkasama sila sa Germany para sa business trip. So good luck na lang kung sino ang magwawagi sa puso ni Andeng?

Sa pagganap naman bilang third wheel kina Ian at Bea? May reason naman daw ‘yung pagpasok niya sa eksena at hindi naman siya basta-basta ipinasok lang. Pero kung palalabasing contravida siya kina Andeng at Anton ay ayos lang naman daw dahil ibig sabihin ay effective ‘yung portrayal daw niya sa serye.

READ MORE:  BB, ‘di kayang magkaanak o makabuntis!

Napapanood ang A Love To Last, weeknights right after “My Dear Heart” na love na love rin panoorin ng lahat ng televiewers sa ABS-CBN Primetime Bida.

TAKI INIS SA MGA PASIKLAB
NI SHAIRA MAE KAY BAE
MIGGY SA ‘TROPS’

Porke’t napalapit na siya kay Bae Miggy sa “TROPS” kahit nandiyan na ang manliligaw na si Bae Kenneth na mahal siya at seryoso sa kanya. Matindi ang inis o pagkairita ni Taki sa babaeng dumidikit kay Miggy na si Mandy (Shaira Mae dela Cruz) at asar na asar tuwing nakikitang magkasama ang dalawa at tinatawag ni Mandy ng boss ang kaibigan.

Ayaw rin ni Taki na makipag-associate o idinadamay siya ng nasabing girl na feeling niya ay malaki ang gusto kay Miggy na ang hindi niya alam ay siya pa rin ang nasa puso ng binata kaya lang nagparaya na nga sa ka-trops na si Kenneth. Saka may pagka-boyish (tomboy) ang dating ni Mandy, ang ganda pa naman.

Well hindi malayong mangyari na ma-develop si Miggy rito. Pero ang KenTaki (Kenneth-Taki) team at MiKi (Miggy-Taki) team ay patuloy na nag-aabang sa lovelife ng tatlo at gusto nila ay manok nila ang magkatuluyan.

Napapanood ang TROPS, Mondays to Fridays at 11: 30 A.M before Eat Bulaga on GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved