Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Parañaque at Pasay cities puwede naman sigurong magdeklarang holiday ngayon
Parañaque at Pasay cities puwede naman sigurong magdeklarang holiday ngayon

Parañaque at Pasay cities puwede naman sigurong magdeklarang holiday ngayon

Marami ang tumawag sa atin kahapon, nagtatanong kung may pasok ba raw, lalo sa area ng Pasay at Parañaque dahil nga sa gaganaping Miss Universe 2016 Coronation sa MOA Arena.

Palagay natin, mas nararapat nga na nagkansela ng klase ang mga eskuwelahan sa Pasay at sa Parañaque, nang sa gayon ay lumuwag ang trapiko.

Ganoon din siguro sa iba’t ibang opisina, maliban sa local government units (LGU) at sa local police.

Anyway, hindi man nakapagdeklara ang Pasay at Parañaque, palagay natin ay maraming magulang ang magdedesisyon na huwag nang papasukin ang kanilang mga anak dahil tiyak na masikip ang trapiko ngayong araw.

Sa mga hindi puwedeng mag-absent, ‘e good luck po at ingat-ingat na lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]OM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved