Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ipinagbubuntis ni Kylie, made in Japan kahit 3 mos. nang nakikipag-live-in kay Aljur
Ipinagbubuntis ni Kylie, made in Japan kahit 3 mos. nang nakikipag-live-in kay Aljur

Ipinagbubuntis ni Kylie, made in Japan kahit 3 mos. nang nakikipag-live-in kay Aljur

BALITANG “made in Japan” ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla, nagbakasyon kasi sila ni Aljur Abrenica sa binansagang Land of the Rising Sun sa Asya at doon nga raw nabuo ang inaabangan nilang bunga ng kanilang pagmamahalan.

But mind you, may tatlong buwan na rin daw palang nagli-live in ang dalawa, having rented a unit na ang location ay sila lang ang nakaaalam.

READ MORE:  Sa pagbabalik ni Wally, mas marami ang nasiyahan!

In other words, both Aljur and Kylie have seen the latter’s pregnancy coming. Kayo ba naman ang magsama sa iisang bubong ng ganoon katagal, imposibleng walang ibunga ‘yon, ‘di ba?

At sa balitang nagkaharap-harap na ang young couple at si Robin Padilla over dinner, ibig lang sabihin, tanggap ng action star ang “sinapit” ng anak.

READ MORE:  Paggawa ng indie movie, tigilan na

Pabiro pa ngang tinanong ni Robin si Kylie ng, “Buntis ka, ano?” nang sabihin nito sa ama na, “’Pa, may sasabihin ako sa ‘yo…”

Pero bakit tila nagdaramdam si Aljur na inunahan daw sila ng management office ni Kylie (through Betchay Vidanes) in breaking the news? Ani Aljur, hindi raw sila dapat pangunahan ni Kylie since they’re the ones involved in the issue.

READ MORE:  Carla, ‘pinaikot’ ng namamahala sa commercial ng kanyang endorsement

But come to think of it, alangan namang sa kampo ni Aljur manggaling ‘yon, samantalang sa tanggapin niya o hindi—pangit mang pakinggan—ay wala naman siyang career na masasabing aktibo?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved