Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Friendship nina Ken at Barbie, napanatili
Friendship nina Ken at Barbie, napanatili

Friendship nina Ken at Barbie, napanatili

KASAMA si Ken Chan sa bagong serye ng GMA 7 na gumaganap siya  bilang isa sa apat na leading men ng bidang babae na si Barbie Forteza.

Natanong si Ken kung naghahanap na rin ba siya ng kanyang ka-meant to be? Ang pabirong sagot ni Ken ay si Barbie ang meant to be niya.

Kidding aside ay wala raw siyang karelasyon ngayon. Wala raw siyang time sa lovelife dahil sobrang hindi na sila natutulog dahil sa busy sila sa promotions ng kanilang serye.

Gayunman, natutuwa si Ken dahil muli niyang nakatrabaho si Barbie na huli silang nagkasama sa isang youth-oriented show.

“After niyon, hindi na kami nagkatrabaho. Pero naging magkaibigan kami, napanatili naming iyon. Kahit hindi kami nagkakatrabaho, magkaibigan pa rin kami. Kasi ‘yung iba, kapag nagkatrabaho, pagkatapos, hindi na magkaibigan. Kami ni Barbie, mas naging magkaibigan pa rin,” sabi ni Ken.

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved