Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dayanara, makikipag-meet-up kina Aga, Cesar at Ariel
Dayanara, makikipag-meet-up kina Aga, Cesar at Ariel

Dayanara, makikipag-meet-up kina Aga, Cesar at Ariel

HINDI pala muna aalis ng ‘Pinas si Miss Univese 1993, Dayanara Torres, isa sa judge sa Miss Universe kahit matapos na ang pageant dahil marami pa siyang mga ime-meet up na mga Pinoy artist na nakasama niya sa kasagsagan ng kanyang career.

Gusto raw ni Yari (palayaw ni Dayanara) na makipagkita kina Cesar Montano, Aga Muhlach, Pops Fernandez, ang grupong Manoeuvres, Ariel Rivera, at Martin Nievera.

Nakasama ni Yari sina Pops, Martin, Ariel at Manoeuvres sa ASAP.

Sa kabilang banda, Maganda pa rin si Dayanara at  habang tinitingnan ko ang bago niyang mga larawan, nahahawig siya sa isang Brazilian model na  naging artista na sa Manila, si Daiana Meneses.

For sure, flattered at excited na rin ang mga nakasama ni Dayanara sa ASAP na makita at  makausap siya.  Nagsama sina Dayanara at Aga  sa pelikulang Basta’t Kasama Kita at sa Type Kita Walang Kokontra naman kay Cesar.

(TIMMY BASIL)

COMMENTS

About Timmy Basil

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved