Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 pagsabog sa Basilan pakana ng Abu Sayyaf

2 pagsabog sa Basilan pakana ng Abu Sayyaf

COTABATO CITY – Kombinsido si Lamitan City Vice Mayor Roderick Furigay, ang magkasunod na pagsabog kamakalawa ng gabi ay pakana ng isang urban terrorist group na may kaugnayan sa Abu Sayyaf.

Una rito, nangyari ang unang pagsabog bandang 9:55 pm kamakalawa sa harap ng bahay ng pamilya Jacinto sa Flores Street, Brgy. Malakas, Lamitan City.

Habang ang pangalawang pagsabog ay nangyari limang minuto ang nakalipas sa Brgy. Malinis, Lamitan City, Basilan.

Sinabi ni Lamitan police Chief Inspector Allan Bena-sing, ang unang pagsabog ay nakasira ng isang multicab na pag-aari ng pamilya Jacinto, habang ang ikalawang pagsabog ay sumira sa gate ng pamilya Silang.

Habang base sa pahayag ni acting Basilan police provincial director, Senior Supt. Nickson Muksan, walang dapat ikabahala dahil walang namatay o nasaktan sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved