Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 drug user, bebot utas sa ratrat (Sa Taguig)

2 drug user, bebot utas sa ratrat (Sa Taguig)

BINAWIAN ng buhay ang tatlo katao, hinihinalang mga drug user, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Taguig City, kahapon ng mada-ling-araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ang mga biktima sa rooftop ng kanilang bahay sa Osmeña St., Brgy. South Signal, Taguig City.

READ MORE:  Imahen ng Sto. Niño nagsalita nang pulutin ng 3 bata

Kinilala ang mga biktimang sina Edison Maburang, construction worker; isang alyas Rico John, isang seaman, at isang babaeng hindi pa nakikilala.

READ MORE:  3 arestado sa ‘rent-a-car’ carnapping

Ayon sa kapatid ni Maburang na si Eufraim, dalawang lalaki ang umakyat sa rooftop ng kanilang bahay saka pinagbabaril ang mga biktima.

Napag-alaman, dalawang beses nang pinasusuko ng pulisya si Maburang sa Oplan Tokhang ngunit hindi sumisipot.

READ MORE:  African Girl arestado sa P40-M Cocaine sa NAIA

Habang aminado si Eufraim na gumagamit at minsan ay nagtutulak ng droga ang kanyang kapatid. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved