Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Unang hirit hosts todo bonding off-cam
Unang hirit hosts todo bonding off-cam

Unang hirit hosts todo bonding off-cam

MINSAN na palang nasita ang hosts ng top-rating morning show na Unang Hirit sa set ng kanilang show — hindi dahil sa kapalpakan pero dahil sa ingay ng kanilang chikahan.

Sa tagal na rin nilang magkakasama, natural sa kanila na mag-share ng mga bagong ganap sa buhay nila kapag ‘di nakasalang sa camera. “Sa sobrang saya, ang ingay na pala namin,” share ni Igan Arnold Clavio. May instance pa nga raw na habang ongoing ang newscast, napagalitan ang mga hosts dahil mas malakas na ang boses nila kaysa mga nagbabalita.

Hindi rin pala natatapos sa set ng UH ang bonding ng mga hosts dahil kahit busy sila sa kanilang schedule, nagkakaroon sila ng mga get-together. Kaya rin siguro ang gaan panoorin ng UH sa umaga kasi kitang-kita naman na genuine ang samahan ng hosts. Masasabing ang sikreto nga ng success ng show ay friendship na nabuo among the hosts.

Last month lang, nag-celebrate ang UH ng 17th anniversary nito. Asahan natin na patuloy pa ang show sa pagpapasaya sa viewers every morning.

SINON LORESCA EXCITED NA
MAKATRABAHO SI KRIS BERNAL!

READ MORE:  Apat na taong relasyon nina Carla at Geoff, tinapos na!

Excited na ibinalita ni Sinon Loresca na mapapanood siya sa upcoming drama series ng Kapuso Network na Impostora na pagbibidahan ni Kris Bernal. Sa kanyang Instagram account, sinabi ng kalyeserye star na blessed siya na makatrabaho ang aktres. “So happy to work with this beautiful woman, my idol since StarStruck,” saad niya sa caption.

Mapapanood din sa programang ito sina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Aicelle Santos, Althea Ablan at Yuan Francisco. Ang Impostora ay sa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan.

YASMIEN KURDI GUSTONG
BATUHIN ANG TV KAPAG
NAPANONOOD SI RYZA CENON

Hindi lang pala viewers at netizens ang nagagalit sa karakter ni Georgia (Ryza Cenon) sa GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos kundi pati na rin ang kapwa Kapuso na si Yasmien Kurdi. Nang matanong kasi namin siya sa renewal ng kanyang contract sa GMA kung anong masasabi niya sa istorya ni Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion) na isang piloto tulad ng kanyang asawa, inamin ni Yasmien na bilib siya sa acting skills ni Ryza dahil talagang naiinis siya rito.

READ MORE:  Direk Dan, sa paglalasing ni James: Ay hindi ko alam ‘yun

“Actually friend ko kasi si Ryza in real life. Pero I must say naiinis kasi ako sa kanya kapag napapanood ko siya sa Ika-6 Na Utos since piloto rin ang asawa ko. I don’t wanna generalize things. It’s just that kapag nanonood ako ng show nila, gusto kong batuhin ang TV kasi nakakagigil ‘yung character niya. Pero ‘di ba, it only shows how effective of an actress Ryza is,” kuwento ni Yasmien.

A WELCOME ADDITION TO THE SOAP

Exciting ang mga susunod na episodes ng A Love to Last dahil papasok na roon ang character ni Xian Lim na si Totoy na kababata ni Andeng (Bea Alonzo). Dahil sa kagustuhan niyang mabig-yan ng magandang kinabukasan si Andeng, nag-abroad siya at lately lang nagbalik.

Anyway, according to Xian Lim, the vibe on the set is so welcoming. The cast seem to like the idea that they have a brand new co-star. Hindi pa raw niya alam ang duration ng kanyang appearance sa soap. Depende raw siguro ‘yun sa feedbacks ng televiewers.

Basta ngayon, three weeks worth of script palang ang nasa sa kanya.

READ MORE:  BG Productions, hahataw sa paggawa ng indie films sa taong 2016!

“I hope na magtagal,” says Xian replete with an engaging smile. “It’s such a good story but right now, I don’t have any idea sa duration nang stay ng character ko. Wala pa talagang time frame.”

Anyway, nitong mabakante siya sa mga soap operas, nag-focus naman daw siya sa paggawa ng indie movie under the competent tutelage of Direk Toto Natividad. Kasama niya sa ginawa niyang indie movie sina Vin Abrenica, Lauren Burgos at marami pang iba.

Doon raw talaga, napasabak siya sa mga routines (sapakan, suntukan at hardcore action). One thing na hindi pa niya nararanasan in his entire life.

Pagda-ting naman sa loveteam nila ni Kim Chiu, wala pa raw balak ang Dos na pagtambalin silang muli. Bi-bigyan muna siguro sila ng tsansang mag-grow at maka-experience na makatrabaho ang ibang artista.

Anyway, right now, he is so excited with the prospect of working with Bea Alonzo in the soap A Love To Last. Ito raw muna ang pagkakaabalahan niya sa ngayon at dito siya magpo-focus.

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved