Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Miss Universe 2016 all systems go (Maxine Medina gagamit ng interpreter)

Miss Universe 2016 all systems go (Maxine Medina gagamit ng interpreter)

012917_FRONT

IDINEKLARA ng Department of Tourism (DoT), all systems go na sa big day sa Lunes para sa coronation ng bagong Miss Universe.

Ito ang pahayag ni Tourim Sec. Wanda Corazon Teo kahapon.

Ayon sa kalihim, sa ngayon todo ang ginagawa nilang monitoring sa mahigit 80 kandidata sa kanilang kalagayan at kalusugan.

Kung masama ang pakiramdam ng ilan nitong nakalipas na araw tulad ni Miss Switzerland, ito ay dahil, hindi sanay sa mainit na panahon sa Filipinas.

Ngunit magaling na at nakita sa mga performance ng mga kandidata sa preliminary competitions.

Ngayong weekend ay puro rehearsals na lang ang kanilang ginagawa.

Samantala, hindi pa nakapagdesisyon ang pambato ng Filipinas na si Maxine Medina kung ano ang gagamiting lengguwahe sa question and answer portion sakaling makasama siya sa Top 6 finalists ng 65th Miss Universe pageant.

Ayon kay Medina, saka na lang siya magde-desisyon kapag duma-ting na ang pagkakataon.

Kasabay nito, kinompirma ng 26-year old interior designer at model, na magdadala siya ng interpreter sa stage saka-ling sasalang sa question and answer portion.

Ngunit siya pa rin daw ang magpapasya kung gagamit ng English o Filipino language sa question and answer portion.

Unang pagkakataon ito sa kasaysayan ng Miss Universe na magkakaroon ng interpreter ang pambato ng Filipinas sa prestihiyosong beauty pageant.

READ MORE:  Thai patay sa pagtalon mula 15/F sa Makati

Nabatid na umani ng kritisismo si Medina sa hindi pagiging bihasa sa Ingles.

Ang pinakahuli ang sinabi ni Medina na si dating First Lady Imelda Marcos ang nag-imbento ng Philippine terno, na iwinasto ng Filipina beauty queen at humingi ng paumanhin.

HATAW News Team

13 FINALISTS PIPILIIN

LABINTATLONG finalists ang pipiliin mula sa mga kandidata ng 65th Miss Universe pageant, na uusad sa final competition.

Sa rehearsal kahapon, mismong ang magiging host sa koronasyon na si Steve Harvey, ang nag-anunsiyo na 13 finalists ang ihaharap sa first cut.

Taliwas ito sa Top 12 na unang inianunsiyo ng Miss Universe Organization.

Ang isang candidate na madaragdag ay mula sa resulta ng online vo-ting.

Samantala, tuloy-tuloy ang pagbuhos ng suporta ng mga Filipino para sa pambato ng Fi-lipinas na si Maxine Medina.

Magtatapos ang online voting dakong 8:00 am, 30 Enero, araw ng koronasyon ng Miss Universe.

Ang maaaring maka-boto ay edad 14-anyos pataas.

STEVE HARVEY
EXCITED NA

EXCITED na ang American comedian-TV host na si Steve Harvey, sa pag-host muli ng koronasyon ng Miss Universe pageant.

Ito ang sinabi ni Harvey nang dumating kahapon umaga sa bansa.

READ MORE:  Same sex marriage ‘di pwede sa Pinas (Kahit maraming bakla at tomboy)

Dakong 10:00 am nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang private plane na sinakyan ni Harvey.

Sinalubong siya nina dating Governor Luis Chavit Singson at Tourism Secretary Wanda Teo.

Ayon kay Harvey, sabik na siyang makilala ang 86 kandidata ng 65th Miss Universe pageant.

Habang karangalan ayon sa Department of Tourism, ang pagdating ni Harvey sa bansa.

Tiniyak ng ahensiya na ipararanas sa “Family Feud” host, ang hospitality ng mga Filipino.

Napag-alaman, marami ang nakaantabay sa pag-host muli ni Harvey ng Miss Universe coronation, kasunod nang nangyaring fiasco noong nakaraang taon.

Nagkamali si Harvey sa pag-anunsiyo ng winner, unang idineklarang panalo ang pambato ng Colombia na si Ariadna Gutierrez, bago bumalik ng stage at iwinasto ang pagkakamali dahil ang totoo palang nanalo ay si Miss Philippines Pia Wurtzbach.

HOSTING SA MISS U
IPINAGMALAKI
NG PALASYO

LABIS ang pagpapasalamat ng Malacañang sa karanasang makapag-host ng 65th Miss Universe beauty pageant.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kampante silang masaya at “memorable” ang karanasang ito para sa lahat ng mga kandidata at foreign guests.

Ayon kay Abella, inaanyahan nila ang mga bisitang bumalik sa Filipinas kasama ang mga kaibigan para mapasya-lan at madiskobre ang iba’t ibang isla sa bansa.

READ MORE:  Resignation ni Abad inayawan ni PNoy

Tiyak aniyang hindi madedesmaya ang mga bisita sa matutungha-yang ganda ng Filipinas at mainit na pagtanggap ng mga Filipino sa kanila.

“We are also grateful for this experience of hosting the pageant, assured and confident that 2017 Miss Universe experience has been joyful and memorable for all the candidates and our foreign guests. We invite them to come back and bring more of their friends to explore the various islands of the Philippines, ready to be astonished of the unexhausted beauty of each one and willing to be moved in every way by the fervent spirit of the Fi-lipino people and so we say, Mabuhay!” ani Abella.

NO FLY ZONE SA MOA
PARA SA MISS U
CORONATION

NAGDEKLARA ng no-fly zone ang Civil Aviation Authority of the Phi-lippines (CAAP) sa Mall of Asia Arena.

Magsisimula ito dakong 11:00 am ngayong araw hanggang Lunes ng tanghali o pagkatapos ng koronasyon ng 65th Miss Universe pageant.

Bawal ang pagpapalipad ng mga eroplano at drones 3,000 feet mula sa arena.

Ang mga commercial aircraft ay maaaring dumaan sa arena kung ito ay higit 3,000 feet.

Una nang sinabi ng PNP, walang signal jamming na ipatutupad sa koronasyon ng Miss Universe pageant.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved