Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Viva, naka-jackpot kay Kara Mitzki, bagong calendar girl ng Tanduay White
Viva, naka-jackpot kay Kara Mitzki, bagong calendar girl ng Tanduay White

Viva, naka-jackpot kay Kara Mitzki, bagong calendar girl ng Tanduay White

HINDI namin gaano pinansin si Kara Mitzi na bagong calendar girl ng Tanduay White noong umakyat siya sa stage ng Music Hall, Metrowalk  para sa launching niya dahil siguro kabado kaya parang ang tigas ng katawan niya habang sumasayaw sa unang tugtog.

Pero noong kinanta na niya ang Dance Again ni JLo ay talagang hiyawan na ang lahat dahil ang galing niyang sumayaw at kumanta, yes sing and dance pala ang talent ni Kara at sexy din naman kaya malaking bentahe ito sa mga kalalakihan bilang bagong calendar girl ng Tanduay White.

Naka-jackpot na naman ang Viva kay Mitzi dahil madaling hanapan ng raket lalo na sa corporate shows dahil marunong kumanta at marunong ding magsalita.

READ MORE:  Mataray at mahusay na actress umaasa na lang sa libreng food at shopping

Sa Sydney, Australia lumaki si Kara, pero sa Pilipinas ipinanganak at kaya mestiza ang dalaga ay dahil ang nanay niya ay may dugong Filipino-Japanese at tatay naman niya ay Filipino, Spanish, at Greek.

Kaya marunong kumanta ang dalaga, “I was born into a family of musicians on my dad’s side,” aniya. “And I started singing and dancing very early, when I was around 3 years old.”

Taong 2010 pa sumabak sa showbiz si Kara at nakagawa na rin siya ng TV ads at TV guestings pero nitong 2017 lang siya ipinakilala bilang solo star ng Tanduay White dahil in between ay nag lie-low siya dahil itinuloy ang pag-aaral at tumulong sa negosyo ng pamilya.

READ MORE:  Robin, may sariling career na ‘di umasa kina Pops at Martin

Muli siyang bumalik noong 2015 para ipagpatuloy ang naumpisahang singing career.

“I love live performances talaga in front of the crowd. Super saya ako ‘pag nasa stage performing, sharing, and inspiring people,” kuwento ni Kara.

At para maging calendar girl ng Tanduay White ay marami raw hirap si Kara.

“Ang dami kong pinagdaanan para makuha ‘yung endorsement. But I really put my heart to it. This is a major break for someone like me who’s just starting out in showbiz.

“Now that it’s finally here I consider it a big honor. Besides I really drink Tanduay White. I think it’s one of the best so far that Tanduay has ever created. Masarap siya gawing cocktail,” sabi pa ng dalaga.

READ MORE:  Juday at Piolo movie, imposible na nga ba?

At dahil Viva talent naman si Kara ay wish niyang makatrabaho ang kapatid niya sa management tulad nina Sarah Geronimo, James Reid and Nadine Lustre, at ang crush niyang si Sam Milby.

“I’m the type of person who doesn’t back down from challenges. I actually challenge myself and I’m always on the lookout for ways to make my life interesting. I would say that I’m very unpredictable in a good way,” pahayag ni Kara.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved