Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bagong Muntinlupa City police station HQ sa Laguerta, tunasan pinuri ni NCRPO Chief PDir Oscar David Albayalde
Bagong Muntinlupa City police station HQ sa Laguerta, tunasan pinuri ni NCRPO Chief PDir Oscar David Albayalde

Bagong Muntinlupa City police station HQ sa Laguerta, tunasan pinuri ni NCRPO Chief PDir Oscar David Albayalde

Ibang klase talaga si Mayor Jaime Fresnedi, mantakin ninyong ipagpatayo ng headquarters ang Muntinlupa City police.

Walang masabi si National Capital Region Police Office chief PDIR Oscar David Albayalde kundi pawang papuri sa Muntinlupa local government lalo kay Mayor Fresnedi.

Bakit hindi gayahin ng ibang local government ang ginawa ni Mayor Fresnedi?

Sa totoo lang, ang daming police stations sa Metro Manila ang nakaaawa sa kadugyutan.

Puwedeng bagong pintura sa labas pero mabantot sa loob. Napakarumi ng mga opisina. Ang babaho ng comfort rooms.

Sa Maynila, makikita ang general headquarters ng Manila Police District (MPD), laging bagong pintura, malinis ang paligid pero ang police stations, nangangalirang sa dungis.

Wala bang inisyatiba ang local government para suporatahan ang pulisya?

Para naman hindi laging nakaasa sa panghihingi kung kani-kaninong negosyante ang mga pulis para lang mapaganda ang estasyon nila.

Mayors, kung ‘yung “PUNONG EHEKUTIBO” ng bansa na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi nagsasawang suportahan ang PNP, bakit hindi ang local chief executives?!

Gayahin ninyo si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Paumanhin sa AKRHO

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved