Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 48 katao sugatan sa tumagilid na bus

48 katao sugatan sa tumagilid na bus

SUGATAN ang 48 katao, kabilang ang driver at konduktor, nang tumagilid ang isang pampasaherong bus dahil sa mabilis na takbo nitong Huwebes ng gabi.

Sa kuha ng CCTV ca-mera ng MMDA, Metro Base, napag-alaman, dakong 9:00 pm nang mangyari ang insidente sa Southbound lane ng EDSA-Estrella, Makati City.

Habang minamaneho ng driver na si Mark Angara ang RRCG Transport bus at binabagtas ang naturang lugar nang hindi nakontrol ang preno at nawalan ng balanse hanggang sa tumagilid ito.

Mabilis na isinugod ng rescue team ng MMDA ang sugatang mga pasahero sa pinakamalapit na pagamutan.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved