Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yasmien at Kylie, magka-birthday na, magka-edad pa nang mabuntis
Yasmien at Kylie, magka-birthday na, magka-edad pa nang mabuntis

Yasmien at Kylie, magka-birthday na, magka-edad pa nang mabuntis

TINANONG si Yasmien Kurdi kung ano ang reaksiyon niya sa kapwa Kapuso star na si Kylie Padilla na napabalitang buntis umano. Kaedad niya kasi si Kylie noong panahong mabuntis siya—23 years old at magka-birthday pa sila.

Malaki ang nabago kay Yasmien noong magka-baby siya. Palagay ba niya ay malaki rin ang mababago kay Kylie?

“Hindi ko alam kung totoo ba talagang buntis siya, eh! Noong time kasi na ‘yun (buntis siya) mahirap ‘yung adjustment nang malaman kong buntis ako. Siyempre, kinabahan ka muna. Pero eventually, parang maa-adjust ka na rin doon. Hindi naman parang end of your life ‘pag nagkaanak ka. ‘Yun pa nga ‘yung beginning eh, na magbibigay sa ‘yo ng masasayang moment,” bulalas niya nang makatsikahan namin sa kanyang birthday tsikahan.

READ MORE:  Willie, nakuha ang kiliti ni Pdu30
READ MORE:  Marian, umubra kaya kay Coco? Pagtapat sa FPJAP, isang suicide

Sinabi pa ni Yasmien na kaarawan niya noong ikasal sila ni Rey Soldevilla. Five years na silang kasal. Pero 11 years na silang nagsasama. Trust at space ang dahilan ng matatag nilang pagsasama.

“Ibig sabihin ‘pag work niya kailangan maintindihan mo everything about it. Kailangan maging understanding ka,” deklara niya.

Sinabi rin niya na laging sabik umuwi ang kanyang mister dahil gusto nito ang lutong bahay, gusting makita ang anak nila, at mas masaya pa rin sa house. Ganoon din naman daw ang feeling niya, ‘pag galing sa work, gusto niya ay umuwi na agad.

READ MORE:  A Song of Praise ng UNTV, Grand Finals sa November 7

Samantala, nag-renew ng network contract ang talented Kapuso actress  noong Miyerkules. Ang mister niyang si Rey ang co-manager ng GMA Artist Center.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved