Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tserman itinumba ng tandem

Tserman itinumba ng tandem

PATAY ang isang 64-anyos barangay chairman makaraan pagbabarilin sa harap ng barangay hall ng hindi naki-lalang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Tito Caldoz Mendoza, chairman ng 106 Zone 8, residente ng 136 Cadena de Amor St., Tondo, Maynila.

READ MORE:  4 paslit patay sa sunog (Ancestral house, pabrika naabo sa Metro,Nigerian sugatan)
READ MORE:  Chiz expert sa budget at agri (Para sa Bise Presidente — Butil Party-List)

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Charles Duran, dakong 11:09 pm nang maganap ang insidente sa harap ng barangay hall sa Rizal St., Magsaysay, Tondo.

Salaysay ng barangay tanod na si Celestino Burgos, 58-anyos, nakaupo sila sa harap ng barangay hall nang sumulpot ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

READ MORE:  11-anyos dalagita pinilahan ng 3 manyak

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved