Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Misis napatay, mister utas sa parak

Misis napatay, mister utas sa parak

BINAWIAN ng buhay ang isang 45-anyos ginang makaraan barilin ng kanyang mister habang namatay rin ang suspek nang lumaban sa nagrespondeng mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Leonora Repuelo, vendor, residente sa Block 13, Lot 12, Duhat St., Brgy. 146, Zone 16, ng lungsod.

Namatay rin ang suspek na si Walid Marohomsar, 29, makaraan makipagpalitan ng putok sa nagrespondeng mga pulis sa lugar.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, narinig nilang nagtatalo ang mag-asawa at pagkaraan ay umalingawngaw ang dalawang putok ng baril.

Bunsod nito, humingi ng tulong sa pulisya ang mga kapitbahay ngunit lumaban sa mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved