Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Bernal, ayaw na raw sa GMAAC kaya ‘di pa pumipirma sa GMA
Kris Bernal, ayaw na raw sa GMAAC kaya ‘di pa pumipirma sa GMA

Kris Bernal, ayaw na raw sa GMAAC kaya ‘di pa pumipirma sa GMA

BALITANG bumalik na (ang tanong, umalis ba?) si Kris Bernal sa GMA. Now, she’s cast in the network’s upcoming project.

Kung matatandaan, kasabay ng pagkawala ng isa pang Kris (Aquino, this time) sa ABS-CBN ay usap-usapan ang paglipat ni Bernal sa naturang estasyon.

How and why nga lang na hindi ‘yon na-consummate o natuloy ay hindi na naisapubliko.

READ MORE:  Aktor, feel na feel ang shop owner na hindi pa nag-a-out

But the mere fact na kasama si Kris B sa Christmas ID ng GMA last year ay isang patunay na nasa Kapuso Network pa rin siya.

Isang source ang aksidenteng nakasalubong ni Kris, mas gumanda raw ito. Isang taon na pala siyang nakatengga, her last project being with no less than Nora Aunor, ang Little Nanay.

READ MORE:  Pictorial ng M Butterfly, sa Great Wall of China gagawin

This same source ang nagkompirma sa amin na bagamat Kris remains with GMA ay hindi pa siya pumipirma ng kontrata. Technically, hindi pa rin siya bahagi ng bagong show na bubuksan.

Ang dahilan umano ng ‘di pagpirma ni Kris ay ayaw niyang sumailalim sa GMA Artist Center. Sa mga hindi nakaaalam, malaki rin kasi ang porsiyentong napupunta sa nasabing tanggapan mula sa kinikita ng mga artista sa ilalim nito.

READ MORE:  Laurence, dream come true na makasama si Lea

But in fairness to GMAAC, ito rin naman ang naghahanap ng mga trabaho para sa kanilang artist hitsurang simpleng ribbon-cutting lang ‘yan o kung anumang “barya-baryang” raket.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved