Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jackie Rice kinilig kay Piolo Pascual sa talyer
Jackie Rice kinilig kay Piolo Pascual sa talyer

Jackie Rice kinilig kay Piolo Pascual sa talyer

KAMAKAILAN ay nagkita sa isang talyer sina Jackie Rice at Piolo Pascual bang parehong ma-flat ang gulong nilang dalawa. Labis-labis na ikinakilig ni Jackie nang finally ay makita at maka-selfie ang no.1 hunk ng Philippine showbiz na si Papa P.

Biro niya sa kanyang tweets, sana raw ay laging ma-flat ang gulong niya para magkita sila uli ni Piolo na naging accomodating at magiliw sa kanya.

Diyan talaga mapupuri si Piolo, na kahit sino pa ang makasalubong ay sasalubungin nang pagkatamis-tamis na ngiti. Kahit nga ‘yung mga reporter na tumitira sa mahusay na actor ay never nakaranas nang hindi maganda sa aktor kundi sinusuklian niya ng ngiti kapag nakita sa events.

Christian attitude gyud!

Unang episode sa Wansapanataym
“MY HAIR LADY” NI LOISA ANDALIO
HUMAMIG NG 35.4% RATING

READ MORE:  James Reid, panalo sa MYX Music Awards 2018 (Martin Nievera, itinanghal na MYX Magna awardee)

After ng episode nila ni Jerome Ponce sa WANSAPANATAYM Presents na “Candy’s Crush” na pinanood at sinuportahan ng kanilang million of fans.

Ngayon dito sa bagong kuwentong handog ng nasabing fantasy-drama, comedy anthology ay muli ninyong mapapanood si Loisa sa “My Hair Lady” and this time ay sina James Blake at Mark Oblea naman ang makakasama ng magandang young actress.

In fairness, sa unang episode nila noong January 22 ay marami agad ang tumutok sa kanila kaya naman pumalo agad sa Kantar Media Nationwide TV Ratings ng 35.4% at sobrang taas nito huh. Kasama rin sa cast ng magical story sina Matet de Leon, Nikki Valdez, Bobby Andrews, Polo Ravales at marami pang iba.

READ MORE:  Hindi educational, walang matututuhan

Kuwento ito ng anak nina Matet at Bobby na ninakaw ng Bestie na si Nikki at kanyang pinagkakakitaan dahil ang buhok nito ay nanganganak nang totoong ginto.

Matagpuan pa kaya si Goldie (Loisa) ng kanyang mga magulang?

Abangan ito sa pagpapatuloy ng “My Hair Lady,” ngayong Sunday pagkatapos ng Your Face Sound Familiar Kids.

IKUWENTO ANG INYONG DESTINY
KINA JOSE, WALLY AT PAOLO
SA “KAP’S BOOK OF AMAZING
TRUE LOVE STORIES”

Dalawang magkaibang love story na ang nai-feature sa bagong segment sa Eat Bulaga na “Kap’s Book of Amazing True Love Stories” na inyong mapapanood araw-araw kasama sina Kap. Jose, X-O Wally at Naggagawad (Kagawad) Paolo sa Barangay Bigote.

Parehong makulay ang istorya ng pag-ibig ng 61 years old na si Rebecca at Donabelle sa kanilang mga partner o destiny. Pero mas nakaaaliw ang romansang namagitan kina Rebecca at kay Ricky na pangatlong mister na niya at na-meet niya sa isang sementeryo kung saan nagtatrabaho siya roon bilang sepulturera.

READ MORE:  Celia, hinahanap ng Aldub fans

Bongga ang theme song ng dalawa na “Always” na hit noong 80s na kinanta pa mismo ni Ricky. Tumanggap ng premyong 3K ang mag-asawa na biro pa ni Kapitan Jose ay pang-date ng dalawa.

Kayo mga Dabarkads, paano ninyo nakilala at kailan dumating sa buhay niyo si destiny? Ikuwento ito kina Jose, Wally at Paolo sa barangay na bibisitahin ng tatlo sa mga susunod na araw sa Juan For All, All For Juan at ka-join na rin dito si Treasurer Maine.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved